Immigration fee kaltasan ng danyos sa atrasadong biyahe

Nais ni Senador Francis “Chiz” Escudero na pabayaran sa Bureau of Immigration (BI) ang travel expenses ng mahigit 32,000 pasaherong na-offload sa kanilang flight dahil sa mahabang interogasyon ng mga immigration officer.

Sa kanyang manifestation sa privilege speech ni Senate President Juan Miguel Zubiri na kinukondena ang bagong travel guidelines ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT), sinabi ni Escudero na dapat managot ang mga immigration officer sa abalang ibinigay nila sa mga pasahero na hindi nakasakay sa kanilang mga flight.

“Hinahayaan dapat silang magbiyahe at hayaan nating ‘yung bansang kanilang pupuntahan ang tumingin at magtanong: `Meron ka bang pambayad sa hotel? May insurance ka ba?’” ayon kay Escudero.

“Dahil bago sila inisyuhan ng visa, Mr. President, tiningnan at hiningi na lahat `yan ng mga embassies. Bakit kailangan pa ipresenta muli sa ating mga immigration officers sa airports?” dagdag pa ng senador.

Para turuan ng leksyon ang mga immigration officer, sinabi ni Escudero na dapat pagbayarin ang mga ito sa gulong nilikha nila sa mga Pinoy na gusto magbiyahe sa ibang bansa.

“May I seek the chamber’s support that we include a provision in the proposed 2024 national budget that these 32,404 passengers and anyone who will be offloaded will be reimbursed in so far as their expenses is concerned?” ani Escudero.

Ikakaltas umano ito sa immigration fee na kinokolekta ng BI dahil sa ahensiya naman napupunta ang porsyento nito para mabigyan ng leksyon ang mga ito.

Base umano sa datos ng BI, may kabuuang 32,404 pasaherong Pinoy ang hindi pinayagang makaalis ng bansa noong 2022. Sa naturang bilang 472 ang napatunayang biktima ng human trafficking o illegal recruitment. (Dindo Matining)

The post Immigration fee kaltasan ng danyos sa atrasadong biyahe – Chiz first appeared on Abante Tonite.

 

Keep on reading:   Immigration fee kaltasan ng danyos sa atrasadong biyahe

 

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Latest from News>Tabloid PH News