Geneva takot magmahal muli

After two failed marriages (Paco Arespachoga and KC Montero), aminado ang singer na si Geneva Cruz na natatakot na siyang magmahal at magpakasal muli.

Sa panayam niya kay Karen Davila recently, aniya ay natatakot daw siya na baka hindi na naman mag-work kung sakaling mag-aasawa siya ulit.

At 47, natutunan na raw niyang huwag magpadalos-dalos sa mga desisyon lalo na pagdating sa puso. Pero alam naman daw niyang hindi pwedeng hayaan niya ang takot na mamayani sa kanyang buhay.

“I cannot allow ‘yung fear, ‘yung takot na i-rule ‘yung buhay ko,” aniya.

Lagi raw siyang nagdadasal na sana raw ay mawala na ang takot sa kanya at dumating ang time na magmahal siya ulit ng buong-buo.

Pangarap daw ng kanyang namayapang ina na maikasal siya ulit pero sa ngayon ay hindi raw ito ang kanyang focus.
“Ang focus ko is before I’m 50 na maipatayo ko ‘yung dream rest house namin ni London,” aniya.

Si London ay anak ni Geneva sa kanyang ex-fiance na si Lee Paulsen. Ang panganay naman niyang si Heaven na anak niya kay Paco ay malaki na at nakabase sa California. (Vinia Vivar)

The post Geneva takot magmahal muli first appeared on Abante Tonite.

 

Keep on reading:   Geneva takot magmahal muli

 

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Latest from News>Tabloid PH News