Napakalaki ng potensyal ng dating child actor na si Bugoy Carino na maabot ng kasikatan ng mga kapanabayan niyang tulad nina Zaijan Jaranilla, Xyriel Manabat at iba pa.
Gayunpaman, aminado naman siyang may mga desisyon siyang nagawang dala ng kapusukan ng kanyang kabataan na dahilan para maunsyami ang kanyang karera.
Sa edad kasing 16 ay nakabuntis siya at naging batang ama.
Aniya, noong una raw ay may naramdaman siyang panghihinayang lalo pa’t papunta na sa peak ang karera niya noon.
“Opo noong una po. Noong time na iyon, iyon iyong peak ng career ko tapos nawala. Sobrang panghihinayang po. Sabi ko nga, siguro kaya ito binibigay sa akin ni Lord kasi kaya ko itong pagdaanan,”aniya.
Aware rin siya na dahil sa kontrobersya sa kanya noon, maraming oportunidad ang nasayang.
“Totoo naman po kasi nagkaisyu po noon na nakabuntis ako. Maraming na-reject na project. Maraming natanggal, mga natanggal na raket na iyong career ko naging bad. Pero ngayon naman po, bumabawi tayo,” lahad niya.
Sey pa niya, marami rin daw siyang natutunang leksyon sa kanyang pagiging batang ama tulad ng pagkamulat sa maagang responsibilidad.
“Para sa akin naman po, sobrang binago ako noong magkapamilya na ako kasi siyempre kapag may pamilya ka na, di mo na ginagawa iyong dati mong ginagawa , iyong labas-labas with friends. Iyong pagbubuhay-binata, hindi mo na ginagawa,”paliwanag niya. “
“Ako naman po di ko na siya hinahanap kasi simula po noong six years old, nagtratrabaho na po ako. Para sa akin, hindi ko na siya hinahanap dahil nagawa ko na rin po naman ang gusto ko,”dugtong niya.
Masaya naman si Bugoy dahil pagkatapos ng ilang taon ay ipalalabas na ang pelikulang “Huling Sayaw” na kanyang pinagbibidahan niya.
Sa pelikulang ito na idinirehe ni Direk Errol Ropero.
Happy rin siya na makatrabaho si Belle Mariano na binibigyang-buhay ang papel ng kanyang childhood best friend at love interest.
“Kami naman po ni Belle, noong Goin’Bulilit days pa lang, kasama ko na siya na kami ang magka-loveteam. Actually noong mga 7 or 8 years pa lang ako, nagtea-teatro rin po ako. Nag-Pinocchio na po ako. Nakasama ko rin po si Belle roon so wala na kaming ilangan,” kuwento niya.
Sa tanong naman sa posibilidad na pagselosan siya ni Donny sa first team up nila ni Belle.
“Di ko po masabi,”pakli niya.
Tungkol naman sa diumanoý edge o lamang niya kay Donny, ito raw ay marahil sa galing niya sa pagsayaw.
“Kasi ako po, bata pa lang ako natuto na akong sumayaw. Tapos, malaking tulong din po na naging miyembro ako ng Hashtags, so doon po nabuo iyong samahan namin nina Kuya Zeus, Kuya Nikko at iyong iba pa po,” ani Bugoy.
Kasama rin sa cast ng pelikula sina Rob Sy, Ramon Christopher, Christian Vasquez, Emilio Garcia, Jeffrey Santos, Jao Mapa, Mark Herras, Zeus Collins at Mickey Ferriols.Palabas na sa mga sinehan simula sa Setyembre 13.(Archie Liao)
The post Donny pakakainin ng alikabok sa pagkadyot ni Bugoy first appeared on Abante Tonite.
Keep on reading: Donny pakakainin ng alikabok sa pagkadyot ni Bugoy