Viral ang mga photo ng DonBelle kasama ang KyleDrea na nagdi-dinner sa isang lounge sa MOA arena.
Ito ay bilang paghahanda sa kanilang panonood ng basketball sa 2023 FIBA Basketball World Cup sa nasabing venue kamakailan.
Sa arena, marami naman ang kinilig dahil huli sina Donny Pangilinan at Belle Mariano sa kiss cam na naka-install sa arena.
Sa candid shot, makikita ang reaksyon ng rumored sweetheart habang kinantiyawan sila ng crowd na maghalikan.
Halatang nag-frown at nagulat si Belle. Nahiya dahil naging tampulan sila ni Donny ng tukso.
Nakadagdag tuloy sa excitement ang kilig na dala nila sa mga nanonood lalo na sa kanilang “simulated” na tukaan.
Sa isa pang video na kumalat, makikita rin ang kasiyahan ng apat na nagtsi-cheer habang nananalo ang kanilang bet na team.
Ito naman ang komento ng mga netizen sa kanilang double date:
“DonBelle with KyleDrea cute nyo po”
“Iba talaga kapag when you are wt your loved ones ano? You glow differently”
“double date #DonBelle #KyleDrea”
“Belle is really Donny’s top priority always. Despite how busy he is, he would really make sure to spend time with her. And Belle being the girlf she is — she’s now really watching basketball. Those acts are really one of the factors of the healthy relationship. Aah”
“so dinner before the game pala ang ganap ng #donbelle and #kyledrea”
“the way the crowd screamed and some even chanted “kiss! kiss! kiss!” ang cute niyo magulat and mahiya pls #DonBelle”
“never in my wildest delulus have i ever thought or dare imagine they’d get caught up in a KISS CAM but oh well, life is full of surprises after all HAHAHAHAHAHA mirisi. what a statement”
The post DonBelle agaw-eksena ang ‘tukaan’ first appeared on Abante Tonite.
Keep on reading: DonBelle agaw-eksena ang ‘tukaan’