Sa panayam ni Boy Abunda kay David Licauco, sumalang sa Fast Talk questions ang chinito actor.
Preferred daw niya ang pagiging maginoo over bastos, pagiging private over public at pagiging negosyante kesa artista.
Mas pipiliin din daw niya ang chinita over morena at non- showbiz kesa showbiz kaya naman may mga humirit na etsapwera nito ang partner na si Barbie Forteza.
Bet din daw niya ang tipong pinapatawa at pinipili siya kesa iyong pinapatawa at pinipili niya.
Kung isang uri ng pagkain, maihahalintulad daw niya ang sarili sa tapa samantalang croissant naman ang pagwawangis niya kay Barbie.
Sa naturang tsikahan, inamin din niya na siya iyong tipong seloso kumpara kay Jak Roberto na walang kaselos-selos sa katawan.
Hirit pa niya, kung may anti-selos class daw si Jak, ang pangontra raw naman niya ay ang DLSU o David Licauco Selos University.
Bulalas pa niya, ang una raw niyang napapansin sa babae ay kung paano ito mag-isip.
Mas feel din daw niya ang basketball over volleyball, prayoridad ang kalusugan kesa kayamanan at love over career.
Pagkukumpisal pa niya, matagal na rin daw siyang nakapag-move on sa last heartbreak niya.
Sa huli, sinabi rin niya na masarap siyang magmahal dahil binibigay niya ang lahat kahit di na niya kaya. (Archie Liao)
The post David aminadong seloso first appeared on Abante Tonite.
Keep on reading: David aminadong seloso