Niyanig ng magnitude 4 na lindol ang Davao Occidental, Huwebes ng umaga, August 30, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Naitala ang episentro ng lindol sa 10 km Hilagang-Silangan ng Jose Abad Santos, Davao Occidental, at may lalim na 169 kms.
Bago ito, niyanig ng 5.5 magnitude na lindol ang Davao Occidental noong Miyerkules.
Ang episentro nito ay nasa 214 kilometers Timog-Silangang bahagi ng Balut Island sa Sarangani, Davao Occidental
Wala namang naitalang nasawi o nasugatan sa insidente.
Sinabi rin ng Office of Civil Defense sa Southern Mindanao at Davao Occidental Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council na wala itong mga naitalang pinsala. (Natalia Antonio)
The post Davao Occ, umuga sa lindol first appeared on Abante Tonite.
Keep on reading: Davao Occ, umuga sa lindol