Confidential fund ni VP Sara mas malaki sa mental health budget

Itinulak ng isang mambabatas ang paglipat ng daang milyong confidential fund ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte sa mental health program upang matulungan ang mga estudyante.

Sa nakaraang deliberasyon ng budget para sa susunod na taon, nagtanong si Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel kaugnay ng pondo para sa mental health program ng Department of Education (DepEd).

“While we have budget for confidential funds…saan po sa budget ng DepEd ‘yung specific na para sa mental health programs?” tanong ni Manuel.

Sinabi ni DepEd Assistant Secretary Dexter Galban na mayroong nakalaang p160 milyong pondo para sa mental health at guidance counseling program.

“I’m alarmed. Mas mataas pa ‘yung budget natin sa confidential funds ng DepEd [at OVP] kaysa sa mental health programs when even DepEd itself has data na almost every day po, trigger warning, may nagpapakamatay na mga basic education students. Mas mataas pa ‘yung bilang ng mga may suicide ideation o ‘yung mga naiisip na kitilin ‘yung sariling buhay dahil sa iba’t ibang problema. Di ko magets ang priorities ng DepEd sa ngayon,” dagdag pa ni Manuel.

Nagkakahalaga ng P150 milyon ang confidential fund ng DepEd at P500 milyon naman sa ilalim ng Office of the Vice President. (Billy Begas)

The post Confidential fund ni VP Sara mas malaki sa mental health budget first appeared on Abante Tonite.

 

Keep on reading:   Confidential fund ni VP Sara mas malaki sa mental health budget

 

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Latest from News>Tabloid PH News