BOC exec gumastos ng P5M sa birthday party

Sino raw itong opisyal sa Bureau of Customs (BOC) na gumastos ng P5 milyon sa birthday party ng kanyang anak?

Napag-alaman ni Mang Teban na ginanap daw ang party sa isang events place sa Taguig kung saan tumatambay ang mga rich ng lipunan.

Bongga raw ang selebrasyon dahil ang umawit sa party ay kilalang singer ng mga hugot song tungkol sa mga magdyowa, mag-asawa, pagtataksil at iwanan.

Aba sa talent fee pa lang ng singer, makakabili na ng kotse ang isang call center agent pero sisiw lang ito sa BOC official.

Ang classic nito, hindi naman debut party kundi ordinaryong birthday party lamang ito ng anak ng BOC official. Nag-iisang anak lang kasi ito ng opisyal kaya naman bigay todo ito sa gastusan kapag kaarawan ng junakis. Pinag-aaral niya ito sa isang private co-ed school sa Makati City na ang tuition ay umaabot din ng daan-daang libong piso kada taon.

Naiinggit tuloy ang ilang miron na sana all, sana anak din sila ng mayamang opisyal ng Customs.

Nagtatrabaho raw ang opisyal sa Port of Manila na kilalang lugar na maraming yumayaman tulad na lamang ng isang security guard na nabistong may mansyon, magagarang kotse, at multi-milyong bank account.

Clue: Ang opisyal ay marunong sa batas kaya nabubutasan nito ang mga palusot sa pantalan.

The post BOC exec gumastos ng P5M sa birthday party first appeared on Abante Tonite.

 

Keep on reading:   BOC exec gumastos ng P5M sa birthday party

 

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Latest from News>Tabloid PH News