Babaeng high value individual nakalawit sa drug bust

Arestado ang isang babaeng high value individual (HVI) sa ikinasang buy-bust operation ng Calamba PNP nitong Martes ng hapon.

Nasabat sa nasabing operasyon ang P598k halaga ng shabu.

Kinilala ni Police Colonel Harold Depositar, Provincial Director ng Laguna PPO ang suspek na si Corazon Nibreja, ng Calamba City, Laguna.

Ayon sa Calamba City Police Station, nagkasa ang kanilang Drug Enforcement Team ng drug buy-bust operation kahapon ng alas-6:58 ng gabi sa Gitnang Bukid, Brgy. Bañadero, Calamba City, Laguna, na ikinaaresto ng suspek na nasa PNP drug watchlist.

Nakumpiska dito ang 5 pirasong plastic sachet ng hinihinalang iligal na droga na nasa 86 gramo at nagkakahalagang P584,800.00, isang pouch na naglalaman ng P500.00 at buy-bust money. (Ronilo Dagos)

The post Babaeng high value individual nakalawit sa drug bust first appeared on Abante Tonite.

 

Keep on reading:   Babaeng high value individual nakalawit sa drug bust

 

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Latest from News>Tabloid PH News