Sa kanyang Meta account, ipinahayag ni Aiko Melendez ang sobrang kasiyahan dahil sa wakas ay ila-launch na sa kanyang first lead role ang anak na si Andrei Yllana.
Sey pa niya, pamilyar sa kanya ang titulo ng seryeng pagbibidahan nito na “May Minamahal” under Viva One.
Isa kasi sa pinaka-paboritong pelikula ng actress ay ang romantic comedy na pinagtambalan nila ni Aga Muhlach na may kaparehong title.
Caption niya: “Andre Yllana Goodluck! Katuwa the title of the soap he is doing now is “May Minamahal”
So proud of you anak praying this is it
salamat ms Veronique and Viva Artists Agency first lead role of Andre!
Directed by Ice Idanan.”
May pahabol naman siyang mensahe sa panganay na seryosohin at huwag munang nai-in love.
Dagdag niya: “ PS wag ka muna maiinlove sa kapartner mo ahh. Kasi si mama mo nainlove nung ginagawa ko ang may minamahal ahahahahah.”
Umani naman ng congratulatory messages si Andrei sa mga netizen sa good news na ito ng aktres.
May kibitzers naman ang nang-uurot kung may partisipasyon ang aktres sa first starring role ng anak. (ARCHIE LIAO)
The post Aiko binawalang ma-in lab ang anak sa partner first appeared on Abante Tonite.
Keep on reading: Aiko binawalang ma-in lab ang anak sa partner